Joyce Bernal pumunta na sa Kamara bilang paghahanda sa SONA | Bandera

Joyce Bernal pumunta na sa Kamara bilang paghahanda sa SONA

Leifbilly Begas - July 08, 2019 - 01:58 PM

JOYCE BERNAL AT RODRIGO DUTERTE

PUMUNTA ngayong araw si Direk Joyce Bernal sa Kamara de Representantes bilang paghahanda sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay Bernal nais niyang maging “hopeful and good” ang presentasyon ng SONA. Noong nakaraan taon ay “gloomy” umano ang SONA.

Ininspeksyon ni Bernal ang plenaryo ng Kamara kung saan gagawin ang SONA.

“I want it hopeful and good, yung parang masaya na kasi, ‘Anong nangyari?’ I-set mo yung mood ng lahat ng tao dito, ‘Huy, ‘wag na kayong mag-away,’” ani Bernal.

Nais ng direktor na maging “grand” ang dating ng SONA at “Sana nga may magandang music na live. Pangarap lang ito pero kapag may budget at may nanlibre, puwede sana.”

Pinag-aaralan din umano nila ang paggamit ng indigenous materials.

Tinitignan din ang paggamit ng 20 kamera sa loob ng plenaryo upang makasabay sa pagbabagong nangyari sa ayos ng plenaryo.

Hindi pa umano nakaka-usap ng personal si Duterte pero nakikipag-ugnayan umano ito sa mga opisyal ng Radio Television Malacañang at Kongreso.

“Kung ano yung pacing na gusto niya, kung ano yung rhythm, kung paano niya gustong sabihin lahat sa mamamayan, susundan natin,” dagdag pa nito. “Hindi ko siya kayang i-direct kasi siya yung President. Sasabihin ko lang siya ng mga small things, gaya ng ‘Sir, dahan-dahan sa English kasi kahit ako, hindi ako maka-cope.”

Gaya noong nakaraang taon, walang tatanggaping bayad si Bernal sa kanyang serbisyo. “Parang dapat lahat tayo pro bono for the Philippines. Napakaliit ng gagawin ko na tulong sa Presidente. Siya yata yung pinakapagod sa ating lahat dito. Konting-konti lang ang tulong na ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending