PBB Otso Big 4 ng batch 4 kumpleto na; 'Big Back to Bahay' simula na | Bandera

PBB Otso Big 4 ng batch 4 kumpleto na; ‘Big Back to Bahay’ simula na

|July 08,2019
facebook
share this

PBB Otso Big 4 ng batch 4 kumpleto na; ‘Big Back to Bahay’ simula na

- July 08, 2019 - 12:25 AM

NAKUMPLETO na ang Big Four para sa batch 4 ng Pinoy Big Brother Otso.

Ginanap last Saturday ang huling eviction night para sa PBB Otso batch 4 kung saan nga natanggal ang dalawang female housemates na sina Diana Mackey at Franki Russel.

Si Kiara Takahashi ang nakakuha ng pinakamataas na text votes mula sa madlang pipol kaya siya ang ikatlong housemate na nabigyan ng pwesto sa Big 4 na sinundan naman ni Argel Saycon.

Sina Kiara at Argel ang huling dalawang adult housemates na makakasama nina Wealand Ferrer at Akie Poblete sa Big Four ng batch 4 na siyang sasabak sa mga susunod na pasabog ni Kuya sa pagpapatuloy ng PBB Otso sa ABS-CBN.

Kitang-kita na ikinagulat nina Kiara at Argel ang pagkakapili sa kanila ng madlang pipol para magpatuloy pa rin sa tinaguriang teleserye ng totoong buhay.

Bago nga ang naganap na eviction night, dumaan muna ang apat na natitirang adult housemates sa matinding Q&A kung saan ang mga dati nilang kasamahan sa PBB house ang mga nagtanong ng mga controversial issues tungkol sa naging journey nila sa Bahay Ni Kuya.

Dito talagang iginisa sila nang bonggang-bongga ng mga former housemates, pati ang ilang detalye tungkol sa kanilang personal na buhay ay talagang naungkat at bumandera on national TV.

Ang layunin ng challenge na ito ay para mas ma-kilala pa ng madlang pipol ang mga natitirang housemates para maging basehan nila sa pagboto. At sa ending mga, sina Kiara at Argel ang pinaboran ng manonood.

Matapos ang eviction night ay binati ni Big Brother ang batch 4 Big Four ngunit pinaalalahanan nito ang kanyang housemates na hind pa ito ang katapusan ng kanilang journey sa PBB dahil ito pa lang ang simula para sa matupad ang pangarap nilang maging PBB Otso Big Winner.

Kaya abangan ang mas matitindi pang task at challenge na ibibigay ni Kuya sa pagsisimula ng “Big Back to Bahay” ng PBB kung saan magsasama-sama na ang Big Four ng Batch 1, 2, 3 at 4. Napapanoo pa rin ang PBB Otso after Sino Ang May Sala sa Primetime Bida at sa Kapamilya Gold tuwing hapon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending