PBB Otso housemate Wealand pasok na rin sa Big Four ng batch 4
Tuwang-tuwa ang mga fans ng PBB Otso housemate na si Wealand Ferrer matapos itong pumasok sa Big Four ng batch 4.
Ang Kwelamazing Kuya ng Nueva Ecija ang nakakuha ng second spot sa Batch 4 Adult Big 4 ng PBB. Ang
Last Wednesday kasi si Wealand ang nanalo sa isa sa pinakamahirap na challenge na ibinigay ni Big Brother sa mga housemates.
Kinarir talaga ng binata ang second big jump challenge hanggang sa magtagumpay na nga siya at tuluyan nang nakuha ang ikalawang puwesto sa Big 4.
“Kasi alam ko po ibinigay ko ang best ko sa pangalawang pagkakataon, tapos Big Jump pa po. Kung anuman ang resulta ay walang pagsisisi dahil alam kong ibinigay ko ang best ko,” pahayag ni Wealand.
In fairness, pasok na pasok sa banga ang mga paandar ni Wealand sa Bahay ni Kuya kaya naman talagang minahal siya ng madlang pipol. Pwedeng-pwede nga raw siyang maging comedian kapag nakalabas na ng Bahay Ni Kuya.
Bago ito, nauna nang nakapasok sa Big Four ng batch 4 ang adult housemate na si Akie, matapos maipanalo ang unang Big Jump challenge. Patuloy na tutukan ang teleserye ng totoong buhay sa PBB Otso sa Primetime Bida at alamin kung sino pa ang dalawang adult housemates ang makakakuha sa dalawa pang natitirang pwesto sa Big Four.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.