Kathryn, Daniel nag-donate ng 10 kulungan ng aso sa Maynila; Isko nakiusap sa animal lovers
NAG-DONATE ng 10 animal cage ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Manila City Pound.
Alam naman ng madlang pipol na parehong animal lovers sina Kath at DJ kaya isa sa mga advocacy nila ang pagsuporta sa mga nakikipaglaban sa animal rights and welfare.
Sa kanilang Instagram accounts, karamihan sa mga litrato ng magdyowa ay makikitang may kasama silang mga aso.
Nagpasalamat naman si Manila City Mayor Isko Moreno kina Kathryn at Daniel sa pagbibigay ng mga kulungan para sa mga nare-rescue na hayop sa Maynila.
Sa Facebook post ng Manila Public Information Office, ang pagdo-donate ng KathNiel sa Manila City Pound ay tugon sa panawagan ni Mayor Isko na alagaang mabuti ng mga dog owners ang kanilang mga alaga at huwag hayaang maging pagala-gala sa kalye.
Ayon pa sa FB post ng MPIO, “Mayor Domagoso expresses his gratitude to Ms. Bernardo and Mr. Padilla for the donation.”
Bukod dito, nakiusap din si Isko na mag-donate ng animal cage o mag-adopt ng aso at pusa na nakakulong at inaalagaan sa Manila City Pound.
Nauna rito, binisita ng bagong-halal na alkalde ang MCP sa Vitas, Tondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.