ISANG mananaya sa Camarines Norte ang nanalo ng P58.8 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 28-24-26-18-22-19.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanalo naman ng tig-P21,990 ang 35 mananaya na nakalimang numero.
Tig-P400 naman ang 1,509 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 20,379 mananaya na nakatatlong numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending