PATULOY ang kampanya ng Department of Labor and Employment, katuwang ang mga social partner, para paigtingin ang pagpuksa sa child labor at iba pang uri nito.
Ang kahalagahan ng pagbibigay ng tulong sa mga child laborer at kanilang pamilya, higit lalo ang mabigyan sila ng tulong para sa kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng karapatan para sa maayos at de-kalidad na edukasyon.
Ang holistic approach ay dapat panatilihin upang tuluyang maibaba ang kaso ng child labor na nagmula sa iba’t ibang kumplikadong bagay. Nararapat na tulong ang dapat ibigay sa mga child labores tulad ng pangkabuhayan para sa kanilang pamilya at maayos na kalidad ng edukasyon para sa kanilang mga anak.
Nagpaalala si DOLE Secretary Silvestre Bello III sa daan-daang estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang magkaroon ng disenteng trabaho at magkaroon ng magandang kinabukasan na malayo sa pang-aabuso at eksploytasyon.
Ang edukasyon ang pinakamabisang paraan tungo sa magandang kinabukasan.
Ipagpatuloy lamang ninyo ang pag-aaral dahil ito rin ang mabisang sandata laban sa child labor.
Noong Enero 2017, ang DOLE at Department of Social Welfare and Development, katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon ay nagkasundo para sa kampanya upang maging child-labor free ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga proyekto tulad ng CARING Gold Project ng International Labor Organization at BanToxics, ang “Strategic Help Desks for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions against Child Labor,” at ang modyul sa “Child Labor for the Family Development Sessions of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.”
Aabot na rin sa 85,582 child laborer sa 16 na rehiyon ang na-profile ng DOLE at 18,651 rito ang naisangguni na sa nararapat na ahensya upang mabigyan ng kinakailangang tulong at serbisyo ang mga kabataan at kanilang pamilya.
Binigyan rin ang mga magulang ng mga child laborer ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Negokart at starter kit upang makapagsimula ang kanilang mga pamilya ng maliit na negosyo na isa sa pamamaraan upang mapuksa ang child labor.
Nasa proseso na rin ang DOLE, sa pamamagitan ng mga regional at field offices ng pagtanggap sa mga community facilitator at enumerator upang mapabilis ang profiling ng mga child laborer, higit lalo sa mga lugar na mayroong mataas na insidente ng child labor.
Ang mga inisyatibong ito ay tugma sa Philippine Development Plan 2017-2022, na naglalayong maibaba ang mga kaso ng child labor sa 30 porsiyento o 630,000 mula sa tinatayang 2.1 milyong child laborer sa buong bansa.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.