Female celeb mauuna pang ikasal kina Angel at Valerie
Pagkatapos mabalitang engaged na sina Angel Locsin at Neil Arce at naglabas naman ng prenup photos si Valerie Concepcion kasama ang mapapangasawang Fil-Am na si Francis Sunga ay heto’t may isa pang aktres na malapit na ring ikasal sa 2020.
Balitang mauuna pa siyang magpakasal kina Angel at Neil dahil nakatakda na ito sa darating na Pebrero, 2020. Ayon kasi kay Angel, earliest na ang November, 2020 para sa date ng wedding nila ni Neil.
Anyway, ang nasabing aktres ay may seryeng umeere ngayon kasama ang sikat na aktres na may boyfriend na artista rin pero wala pa silang plano dahil nagpapayaman pa raw base na rin sa kuwento ng taong malapit sa kanila.
Ayon sa aming source, non-showbiz at negosyante ang pakakasalan ng aktres early next year at galing daw sa isang buena familia.
Hmmmm, ano bang mayroon sa taong 2020 at maraming celebrities ang magpapakasal sa year na ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.