NIYANIG ng magnitude 5.9 lindol ang Bohol kaninang umaga (Martes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:59 ng umaga. Ang epicenter nito ay 41 kilometro sa silangan ng Lila.
May lalim itong 551 kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity I sa Borongan City.
Walang inaasahang pinsala ang Phivolcs sa pagyanig na ito subalit maaari umanong magkaroon ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending