Paandar ni Angelica: ‘No-selfie-no picture’ pag wala sa trabaho
HINDI pala pumapayag si Angelica Panganiban na magpa-picture sa mga fans kung hindi siya nagtatrabaho o kapag siya’y nasa bakasyon.
Sa isang post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account, isang netizen ang nag-comment na hindi siya pinagbigyan ni Angelica nang mag-request siya ng selfie sa airport.
Sabi ng kanyang follower, “Sana ate Angge pinagbigyan mo ako magpa-picture sa airport.”
Diretso namang sagot ng dalaga, netizen, “Sorry, I wasn’t working that time. I hope you understand and respect my privacy. I love hugs tho.”
Tinanggap naman ng nasabing fan ang kanyang explanation, “Yes ate Angge walang problema mahal na mahal kita! Ikaw pa ba! Mag-ingat ka ate especially ang puso mo ha, need natin sumasaya. Labyu!”
Maraming nam-bash kay Angelica dahil sa kanyang “no selfie-no picture” policy kapag wala siya sa work, masyado naman daw siyang feeling superstar, e, hindi na naman daw siya kasikatan. Hindi naman daw siya siguro maghihirap kung pagbibigyan niya ang mga gustong magpalitrato sa kanya.
Pero may mga netizens naman ang um-agree sa desisyon ng aktres dahil nais lamang nito ng privacy dahil minsan lang naman makapagbakasyon ang mga artistang tulad niya.
Kung matatandaan, noong 2016, may sinabihan din ang aktres na hindi na siya magpapa-picture in public places matapos siyang sabihan ng isang basher ng, “NO KATHNIEL FANS AND SELFIES ALLOWED. I guess I’ll be stuck with this girl (maldita.) Lol like hello? I’m not a KathNiel fan, DJ. I AM JUST ‘YOUR’ FAN. Yours only!”
Sagot naman sa kanya ni Angelica, “Ay… Sorry ate ha? Pinagtyagaan mo ko. Sige. Ganito na lang. From now on. D na ko papayag magpapicture kahit kanino.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.