TV ad ni Kris napunta kay Lea, tsinugi na nga ba? | Bandera

TV ad ni Kris napunta kay Lea, tsinugi na nga ba?

Alex Brosas |June 28,2019
facebook
share this

TV ad ni Kris napunta kay Lea, tsinugi na nga ba?

Alex Brosas - June 28, 2019 - 01:15 AM

KRIS AQUINO AT LEA SALONGA

KRIS Something is slowly losing most of her endorsements.

‘Yan ang chikang umiikot ngayon sa showbiz. Initially, wala na raw sa kanya ang sabong panglaba na kanyang ini-endorse. Napunta na raw ito kay Lea Salonga.

Tama ba ang narinig naming pinagbabayad pa siya ng kumuha sa kanya? Bakit? May nilabag ba siyang stipulation na nakasaad sa kanyang contract? Ang alam namin ay maingat si Kris pagdating sa mga naka-stipulate sa kanyang mga kontrata.

Anyway, marami pa raw mawawalang endorsements kay Kris, that is, if rumors are true.

Naku, tuluyan na kayang maglaho ang ningning ni Kris bilang number one endorser ng bansa? Will there be a repeat of what happened kay Sharon Cuneta years back when most of her endorsements ay nawalang parang bula?

Anyway, kung true ang chikang hindi na ire-renew si Kris ng kanyang mga ini-endorse na product, maybe it is a sign na dapat na siyang mamahinga sa showbiz.

But the thing is, hindi carry ni Kris na malaos. Talagang gagawa at gagawa iyan ng paraan para mapansin pa rin ang kanyang presensiya kahit na sa social media lang.

Hindi ba’t kinain niya nang buong-buo ang sinabi niyang titigil na siya sa social media, only to be back two days after.

Anyway, mas maganda na gawin nang private life ni Kris ang kanyang buhay. The less we see her on social media, the better.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending