Matteo ‘pinahihirapan’ nang todo sa military training; Sarah kabado | Bandera

Matteo ‘pinahihirapan’ nang todo sa military training; Sarah kabado

Ervin Santiago - June 28, 2019 - 12:25 AM

MATTEO GUIDICELLI

Mas pinabilib pa ng singer-actor na si Matteo Guidicelli ang kanyang fans nang kumalat ang mga litrato niya habang sumasailim sa matinding military training.

Siguradong kahit kabado ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ay proud na proud naman ito sa kanya.
Nasa Camp Tecson, sa San Miguel, Bulacan ang binata para sa mahigit isang buwang physical training sa ranger camp na nagsimula noong May 27 at magtatapos ngayong Lunes, July 1. Si Matteo ay 2Lt. reservist sa Philippine Army.

Sa Facebook page ng We Support AFP, makikita ang ilang litrato ni Matteo na kuha sa training camp.

May caption itong “Army Reservist 2Lt Mateo Guidecelli stood up to all the challenges as he undergoes series of challenging physical obstacles while being timed with the aim of testing speed, endurance and agility. Challenge accepted.”

Bago sumabak sa scout ranger training, sumali rin sa Philippine Coast Guard Auxiliary ang boyfriend ni Sarah kasama ang mga kaibigang sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.

Kung matatandaan, sinabi ni Matteo na nais niyang makapaglingkod sa bayan, “Sinabi ko sa sarili, ‘Bakit hindi ako magpo-focus sa isang bagay, sa isang bagay na ako talaga?’ Ibig sabihin, sa pagiging Pilipino ko.

So, sabi ko, the best way is to join the Army.”

Pagpapatuloy pa niya, “Ngayon, yung girlfriend ko (Sarah), yung mga magulang ko, sabi nila, ‘Bakit ka sasali ng Army? Maggigiyera ka ba?’

“Ngayon, they understood kapag nasa reserve ka, or nasa Army ka, hindi naman ibig sabihin maggigiyera ka. Marami kang mga puwedeng gawin—kapag may mga disasters tayo, mga natural calamities, may mga relief goods, may mga operations tayong iba. Hindi necessarily pupunta sa giyera, kumbaga, di ba?” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending