Angat Dam malapit na sa pinakamababang lebel | Bandera

Angat Dam malapit na sa pinakamababang lebel

Leifbilly Begas - June 26, 2019 - 03:11 PM

KUNG walang bubuhos na malakas na ulan, maaaring maabot ng Angat dam ang pinakamababang lebel ng tubig nito ngayong linggo.

Ngayong araw ay naitala sa 158.40 metro ang lebel ng tubig sa dam bumaba ng 0.37 metro mula sa 158.77 metro sa lebel noong Martes ng gabi.

Ang pinakamababang lebel ng tubig na inabot ng Angat dam ay 157.56 metro noong Hulyo 2010. Nakakaranas din noon ng El Nino phenomenon ang bansa.

Nabawas na ng isinusuplay na tubig ang Angat dam na nagresulta sa rotational water interruption sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Nang umabot sa 160 metrong critical level ang dam ibinaba sa 3 cubic meters per second ang inilalabas na tubig ng dam mula sa 40 cubic meter per second.

Kaninang umaga tumaas muli ang lebel ng tubig sa La Mesa dam. Mula sa 69.20 metro noong Martes, kahapon ay tumaas ito sa 69.98 metro o pagtaas na 0.78 metro.

Ang Angat at La Mesa dam ang dalawang pangunahing pinagkukuhanan ng isinusuplay na tubig sa Metro Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending