Janno Gibbs napamura, gobyerno binanatan: 1 week na walang tubig, konting ulan…baha
EXASPERATED by the water shortage, singer Janno Gibbs took a swipe at an agency recently.
Binanatan ni Janno ang gobyerno dahil sa water shortage na kanyang naranasan at ang nakakalokang pagbaha matapos ang ilang oras lang na pag-ulan.
Sa kanyang Instagram stories, ibinuhos ni Janno ang kanyang sentiment.
“Siguro naman may refund water bill namin! Halos isang linggo na kami walang tubig eh. Nagkakaroon lang maybe 2 hrs a day. 2x if we’re lucky. Laki na talaga ng improvement nitong pu#^!$ bansa natin!
Kagabi konting ulan, baha na agad! Ang galing!!!”
That was his aria to which netizens agreed.
“Nakakagalit naman kasi talaga. Kung pwede lang ipanligo yung tubig baha e di sana yun na inipon namin e.”
“Actually po. Nakakalungkot talaga. Last night, hindi naman kalakasan ang ulan, baha agad. Good luck sa mga paparating na bagyo. At kami rin 2 weeks ng 5 hours lang na may tubig. Thankful na rin kami dun, as others are experiencing worse. Hay, ano ng gagawin natin sa bansa natin?”
“Agree ako kay matandang pogi. Nakakainis naman talaga pag walang tubig tsaka pag may flood. Taga Cavite ako pero taga Maynila ang boyfriend ko. Nakaranas sila ng matinding flood dun.”
“Kamusta naman samin this week? Wala na tubig wala pang kuryente at walang internet!!! Ano na bang nangyayare sa bansa this year!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.