Willie ibinenta na ang luxury cars: Wala nang excitement | Bandera

Willie ibinenta na ang luxury cars: Wala nang excitement

Cristy Fermin - June 26, 2019 - 12:50 AM

WILLIE REVILLAME

Basta wala siyang taping para sa kanyang matagumpay na game show na Wowowin ay walang ibang pinagkakaabalahan ang actor-TV host na si Willie Revillame kundi ang kanyang pagpapakadalubhasa sa pagpapalipad ng chopper.

Dati’y meron nga siyang eroplano, pero wala sa isip niyang maging piloto, pero nitong mga huling buwan ay nagdesisyon siyang mag-aral na ring magpalipad.

Iba na nga naman ‘yung siya mismo ang nagpapalipad ng kanyang chopper, naihahanap niya ng schedule ang kanyang flying lessons, kinakarir talaga ni Willie ang pangarap niyang maging piloto.

Marami nang nagbabago sa kanyang pananaw ngayon, palibhasa’y nagkakaedad na siya, lalo na sa kanyang mga naipundar na ari-arian.

Ang mga luxury cars niyang naka-park lang sa isang palapag ng kanyang building (Wil Tower) na hindi niya naman sabay-sabay na magagamit ay idinispatsa na niya ang iba.

“Sabi mo nga, e, isa lang naman ang puwede kong sakyan, hindi naman puwedeng dalawa o tatlo at the same time, kaya mas magandang ibenta ko na lang ang iba.

“Ang mahalaga, e, natupad ko ang pangarap ko nu’n na magkaroon ng mga luxury cars, pero kapag meron ka na, ano na ang kasunod? Wala na, wala nang excitement, di ba?” tanong-opinyon ng sikat na TV host.

Ang kaligayahan para kay Willie Revillame ay ang makasama ang kanyang mga tagahanga sa Wowowin, ang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan, ‘yun na ang bumubuo sa kanyang bawat maghapon ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending