Dawn tinuturuan ng mga gawaing bahay ang mga anak, huwag umasa sa mga yaya
Nagagawang pagsabayin ng aktres na si Dawn Zulueta ang pagiging asawa, ina at pag-aartista sa tulong na rin ng mga taong katuwang niya sa buhay.
“I manage it with a lot of help. May PA (personal assistant) ako, may secretary at may yaya,” paliwanag ni Dawn sa panayam ng Tonight With Arnold Clavio.
“I have trusted people who help me. Malaki ang tulong nila. Hindi ko kaya ‘yan on my own,” aniya pa.
Pero sabi ni Dawn, gusto oa rin niyang turuan ang mga anak na matutong maging independent kabilang na riyan ang mga simpleng gawin sa bahay.
“Lately, we’ve been teaching them already how to make their own beds and how to clean up. Dapat nagliligpit sila ng mga damit nila.
“We also teach them na rin how to be responsible about cleanliness in their room. Maski doon lang muna,” kuwento ng aktres.
Istrikto ba siya pagdating sa lovelife ng mga anak? “Mahirap ipagbawal kasi kapag lalo mo yatang ipagbawal, gagawin naman nila nang patago. I would much rather na open na lang sila sa amin tapos iga-guide naman namin sila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.