Vice Ganda niyakap ng Idol PH contestant: Doon ka na nga… sisirain mo pa ang relasyon ko
Very obvious ang kilig factor kay Vice Ganda nang muli niyang makita on stage Idol Philippines contestant na si Roque Belino.
Last Sunday, isa si Roque sa mga male contenders na hindi pinalad na makasama sa Top 12 ng Idol PH matapos ngang maganap ang huling showdown para sa Top 20.
Palabas pa lang ang binata sa stage ay kitang-kita na ang pagpapa-cute ni Vice bilang isa sa mga judge, na tila kilig na kilig. Napakatamis din ng smile nito nang masilayan muli ang binata.
“Hi, Roque. How are you?” ang pagbati sa kanya ng Unkabogable Star na sinagot naman ng contestant ng, “Mayos naman, mabuti po.”
Sabay hirit ni Vice ng, “Giniginaw ako, Roque, e.” Dito na sumingit ang isa pang judge ng reality singing search ng ABS-CBN na si Regine Velasquez at nagsabing, “Umakap ka dali!”
Nang papalapit na si Roque kay Vice, nag-dialogue ang TV host-comedian ng, “Roque, huwag kang lalapit! Huwag kang… Oh my god!”
Niyakap nga ni Roque si Vice sabay tanong kung, “Mainit na po?” Na pa-cute namang sinagot ni Vice ng, “may pumapasok pang lamig, Roque…dalhin mo ako sa minahan.”
Pero bigla ring bumitaw si Vice sa pagkakayakap kay Roque sabay dialogue ng, “Du’n ka na nga! Du’n ka na. Sisirain mo pa ang relasyon ko!”
Hirit naman uli ni Regine, “Woooow!” Baling sa kanya ni Vice na tila sinasabing meron nang nagmamay-ari ng kanyang puso, “Relasyon?!”
Hindi man diretsahang umaamin si Vice, naniniwala ang madlang pipol na matagal na silang may relasyon ng kasamahan niya sa Showtime na si Ion Perez na unang nakilala bilang si Kuya Escort.
Kaya ang paniwala ng mga manonood, ang tinutukoy na “relasyon” ni Vice sa nakaraang episode ng Idol PH ay ang relationship nila ni Ion na umaming espesyal sa kanya ang TV host at mahal niya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.