Susan Roces kay Manoy: Hindi siya santo pero never siyang nagalit, wala rin siyang kaaway... | Bandera

Susan Roces kay Manoy: Hindi siya santo pero never siyang nagalit, wala rin siyang kaaway…

Ervin Santiago - June 23, 2019 - 06:33 PM


KUNG may isang taong nakakikilala talaga sa iconic showbiz personality na si Eddie Garcia, yan ay walang iba kundi ang movie queen na si Susan Roces.

Sa huling gabi ng lamay para sa veteran at award-winning actor, inalala ni Susan Roces ang magagandang pinagsamahan nila noong nabubuhay pa ito at kung paano siya naimpluwensiyahan nito sa pagiging positibo sa buhay.

Malapit ang veteran actress kay Manoy dahil isa ito sa mga matatalik na kaibigan ng kanyang asawang si Da King Fernando Poe, Jr.. Nagkasama rin sa maraming pelikula sina FPJ at Manoy.

“Marami rin kaming pelikulang ginawa, iba-iba ang character niya,” pagsisimula ng biyuda ni FPJ. Huli silang nagkasama sa seryeng Ang Probinsyano kung saan gumanap na kontrabida ni Coco Martin si Manoy.

Pagpapatuloy pa ni Susan Roces, “Ikinasal ako kay Eddie Garcia sa pelikulang ‘Maruja’ pero pagkatapos ng wedding namin ako’y uminom ng lason. Dahil ang talagang nobyo ko doon ay si Romero Vasquez.

“Ngayon madalas ang labas ni Eddie ay kontrabida ni FPJ, pero sa totoong buhay, sila ay matalik na magkaibigan. Eddie is so much fun to be working with,” pahayag pa ng beteranang aktres.

Isa rin si Eddie Garcia sa mga unang dumamay sa kanya noong mamatay si FPJ, “Ako ay nasa huling yugto na din ng aking buhay, noong mawala ang aking asawa nandiyan si Eddie at Lilybeth (Romero, partner ni Manoy), sila ang unang-unang nakiramay sa akin kasama sina Dolphy at iba pa naming kasamahan.”

Alam n’yo ba, si Manoy din ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ang showbiz at patuloy na nag-aartista.

“Nag-isip-isip ako noon, sabi ko, ‘ano ba gagawin ko ngayong biyuda na ako, marahil magre-retire na din ako.’ Pero pag nakikita ko si Eddie, ‘o nagtatrabaho pa siya, mas matanda siya sa akin.

“Ganu’n din si Gloria Romero, sila ang naging inspirasyon ko na mag patuloy, sabi ko ‘sila ang dapat kong tularan.’

“Hindi sila nagpaayos ng mukha, kung ano ang hinihingi ng role nila, ay siyang ibinibigay nila ng naayon sa natural na kaayusan ng kanilang makeup,” lahad pa ng aktres.

At sa tagal na nilang magkaibigan ni Eddie ay never pa niya itong nakitang magalit o nagsabi ng masaka sa kanyang kapwa.

“Hindi ko pa nakita si Eddie na nagalit o may kaaway, wala pa akong narinig sa kanya, hindi siya santo, pero wala akong narinig na hindi magandang pananalita tungkol sa ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit na tungkol sa politika wala siyang komento, ang sinasabi lang niya madalas ay pagpapatawa lamang,” sabi pa ni Susan Roces na nagsabing napakalaking kawalan sa showbiz industry ang kanyang pagkawala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending