Aktor na mabentang-mabenta noon ubos ang yaman dahil sa sakit | Bandera

Aktor na mabentang-mabenta noon ubos ang yaman dahil sa sakit

Cristy Fermin - June 23, 2019 - 12:45 AM

HINDI lahat ng araw ay Pasko. Ganu’n kung ilarawan ng magkakaumpukang tropang nagtatrabaho sa iba-ibang network ang isang mabentang aktor sa pelikula at telebisyon.

Dalawa-singko ang kanyang trabaho nu’n dahil maaasahan naman ang kanyang talento, puwede siyang bida at kontrabida, hindi siya mapag-aksaya ng negatibo dahil magaling siyang umarte.

Kuwento ng aming source, “‘Yun ang time na dating at dating ang mga biyaya sa kanya, maliit ang wallet niya sa dami ng pera niya, bulagsak siya sa datung, akala siguro niya, e, habampanahong ganu’n ang kikitain niya.

“Kaso, nagkakasakit tayo, kailangan natin ng pampaospital at pambili ng gamot, du’n na nagsimula ang indulto sa buhay ng male personality,” simulang chika ng aming impormante.

Nu’ng una ay nakapagtatrabaho pa rin naman ang aktor, pero naging mainitin na ang kanyang ulo, konting bagay lang ay nakareklamo na siya.

Patuloy ng aming soure, “Naku, iba na ang kalakaran ngayon! Kapag magiging problema ka lang ng production, kahit gaano ka pa kagaling umarte, e, hindi ka na lang kukunin!

“Maraming iba pang artistang walang trabaho, kaya kung reklamador ang artista, binubura na lang siya sa listahan. Tulad ng male personality na ito na konting bagay lang, e, nakasigaw na!

“Marami na siyang hinahanap, ang dami-dami niyang reklamo, kaya maraming production staff na ang naiinis sa kanya. Ka-package daw ‘yun ng sakit niya, nagso-sorry siya, nakakainit daw kasi ng ulo ang pinagdadaanan niya.

“Tingnan n’yo ang nangyari sa kanya, sino ang mag-aakala na ang personality na tulad niya na nakakayang magpabagsak ng mga kalaban niya sa pelikula, e, ganyan pala ang aabutin sa tunay na buhay?

“Kailangan niya ngayon ng suporta ng mga kaibigan niyang may magandang buhay, kailangan niya ng pambili ng gamot na habambuhay na yata niyang iinumin. Marami siyang nilalapitan ngayon.

“D’yan, d’yan niya ngayon maiisip na sana, e, nag-ipon siya nu’ng malakas pa siyang kumita, natuto sana siyang magpahalaga sa mga biyayang dumarating sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“D’yan siya mamumulat ngayon na walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista, sa totoo lang, kaya kailangan nilang paghandaan ang kinabukasan nila,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, d’yan, d’yan kayo magaling, sa panghuhula ng ating mga pitik-bulag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending