Won Jin Ah, Ji Chang Wook nagsanib-pwersa sa K-drama
KOREAN word of the week: “Sayanghada” – Sa Ingles ito ay “use” at sa atin naman ay “gamitin.”
Kumpirmado na ang magaling na aktres na si Won Jin Ah ang makakasama ng Korean superstar na si Ji Chang Wook sa kanyang upcoming series na Melting Me Softly.
Kuwento ito ng isang lalaki at babae na lumahok sa isang proyekto kung saan magiging frozen sila sa loob ng 24 oras, ngunit magigising makalipas ang 20 taon dahil sa isang mysterious scheme.
Matatandaang kala-labas lang ni Chang Wook noong Abril mula sa dalawang taong mandatory military service. Na-enlist siya noong Agosto, 2017.
Habang nasa loob ng military nakasama siya sa military musical na “Shinheung Military Academy” kasama sina Kang Ha Neul at Sunggyu ng grupong INFINITE.
Huling napanood si Chang Wook sa Suspicious Partner (2017) at bumida rin sa K2 (2016), Healer (2015) at Empress Ki (2014).
Mapapanood ang bagong K-drama ni Chang Wook sa Setyembre, 2019.
Kabilang sa mga K-drama ni Won Jin Ah ang Rain or Shine (2017–2018) at Life (2018), kung saan siya naging nominado ng Baeksang Arts Awards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.