OWWA, PNA nag-partner para sa pangangailangang pangkalusugan ng OFW 's | Bandera

OWWA, PNA nag-partner para sa pangangailangang pangkalusugan ng OFW ‘s

Liza Soriano - June 22, 2019 - 12:15 AM

LUMAGDA ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Philippine Nurses Association, Inc., sa isang kasunduan upang palakasin ang kanilang samahan sa pagtatagu-yod ng kalusugan at kagalingan ng mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at PNA President Dr. Erlinda Palaganas ang paglagda sa kasunduan sa ginanap na pagdiriwang ng Araw ng Migranteng Manggagawa .

Ang kahalagahan ng nurse bilang propesyon, na kumakatawan sa pagkakaisa ng OWWA at PNA upang tulungan hindi lamang ang mga OFW-nurse, pati na rin ang lahat ng OFW at kanilang pamilya.

Upang mapalakas ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kalusugan at kagalingan ng mga OFW, maglalaan ang PNA ng mga dalubhasa na susuri at bubuo ng mga modules ukol sa health and wellness bilang bahagi ng Pre-Departure Orientation Seminar para sa mga OFW.

Kasama din sila sa pag-oorganisa ng medical mission, at pagbibigay ng tulong-medikal o psycho-scoial para sa mga OFW-nurses at sa iba pang OFW na na-ngangailangan.

Isasangguni naman ng PNA ang mga OFW-nurses na may welfare at legal case sa OWWA at sa Regional Welfare Office para sa kanilang kinakailangang tulong.

Sa bahagi naman ng OWWA, palalakasin naman nito ang pagbibigay ng programa at serbisyo sa mga OFW-nurse at sa kanilang pamilya, tulad ng reintegration program, at 24/7 helpline sa pamamagitan ng OWWA Operations Center at Hotline 1348.

Kung kinakailangan, magbibigay din ang OWWA ng psycho-social evaluation at counseling sa mga OFW-nurses at kanilang pa-milya, sa pamamagitan ng mga OWWA partner.

Ang nursing professionals ang ikatlo sa major occupation group na pinoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration at isa sa mga pangunahing miyembro ng OWWA.

Administrator
Hans Leo Cacdac
OWWA
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending