Kotse ng PDEA agents sumirko: 1 patay, 4 sugatan | Bandera

Kotse ng PDEA agents sumirko: 1 patay, 4 sugatan

John Roson - June 20, 2019 - 05:45 PM

ISA umanong drug suspect ang nasawi at apat pa katao, kabilang ang tatlong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang nasugatan nang sumalpok at concrete barrier at bumligtad ang sinakyan nilang kotse sa bahagi ng South Luzon Expressway na nasa Carmona, Cavite, Miyerkules.

Dead on the spot si Gerry Del Rosario hbang sugatan ang suspek ring si Catherine Del Rosario, sabi ni Maj. Rommel Carcellar, hepe ng Carmona Police, sa kanyang ulat.

Sugatan din sina agents Deo Tabor at Rodrigo Ramirez, pati ang isang Rey Ricohermoso na kasama nilang nakatalaga sa tanggapan ng PDEA sa Antipolo City.

Naganap ang insidente pasado alas-9 ng umaga, sa southbound lane ng SLEX.

Minamaneho ni Tabor ang Toyota Camry (XGM-641) patungo sa direksyon ng Calamba City, Laguna, nang sumalpok ito sa concrete barrier at bumaligtad.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na biglang sinunggaban ni Gerry ang manibela bago ang insidente.

Rumesponde ang rescue team ng SLEX, pero idineklarang patay si Gerry.

Itinakbo naman ang mga sugatan sa mga pagamutan sa Binan City at Sta. Rosa, para malunasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending