Robin sa mga kontra kay Duterte: Nagmamatapang kayo, hindi yan nakukuha sa tsismisan, patapangan | Bandera

Robin sa mga kontra kay Duterte: Nagmamatapang kayo, hindi yan nakukuha sa tsismisan, patapangan

- June 20, 2019 - 12:35 AM

RODRIGO DUTERTE AT ROBIN PADILLA

HINAMON ni Robin Padilla ang lahat ng kumokontra sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu ng pagbangga ng isang Chinese vessel sa bangka ng 22 mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea kamakailan.

Inalmahan ng maraming netizens kabilang na ang mga kilalang celebrities ang pahayag ng Pangulo tungkol sa insidente, “Banggaan lang ng barko ‘yan. Do not make it worse because that’s a fertile ground for. Alam niyo ‘yan mga sundalo, miscommunication ‘yan, patay na.

“And we are not yet as ready and we can never be ready in a nuclear war. Because in a nuclear war, kung bitiwan lahat ‘yan, earth will dry up and we will all be destroyed, and that is the end of everything,” sabi pa ng presidente.

Pagkontra ng mga umalma sa sinabi ni Duterte, kabilang na riyan sina Agot Isidro, Enchong Dee, Jasmine Curtis at Bianca Gonzales, hindi lang basta aksidente ang nangyari, isang uri raw ito ng pambu-bully ng China sa Pilipinas, pero mas kinampihan pa raw ni Digong ang China.

Pero para sa kilalang supporter ng Pangulo na si Robin Padilla, tama ang naging desisyon ni Digong na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil walang laban ang Pilipinas kapag nag-announce ng giyera ang China.

Sa pamamagitan ng Facebook Live, ibinandera ni Binoe ang kanyang saloobin sa issue. Nasa Queensland, Australia ngayon ang aktor para um-attend sa graduation ng anak niyang si Zhen.

“Sinabi ng ating mahal na Pangulo na hindi yun dahilan para tayo, e, makipaggiyera sa China at tayo ay matunaw na. Kaya napakasensitibo po ‘yan na topic. Mahirap ho diyan nagmamatapang tayo at idadamay natin ang buong bayan.

“Wala namang namatay doon sa ating mga kababayan. Alhamdulillah. At naiuwi nila ang bangka nila, pati yung huli nila. Sa tingin ko naman, e, humingi na rin ng dispensa ang China, di ba, sa nangyari,” unang pahayag ng mister ni Mariel Rodriguez.

“Wag na lang ho nating palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko nu’ng araw, kung sino ang matatapang, e, sila na lang ang pumunta dun. Huwag na nating idamay pa ang Armed Forces, yung Pilipinas. Sarili na lang niyong sikap. Kung talagang matapang kayo, e, di patunayan niyo du’n,” hamon pa niya sa mga anti-Duterte.

Dagdag pa niya, “Sa sitwasyon ho natin ngayon kailangan, e, utak muna ang nakikipaglaban at magaling diyan ang President natin. At alam din ho ‘yan ng China. Kumbaga, nakikipag-chess ho ngayon yung ating Pangulo sa president (ng China). Siyempre habang nakikipag-chess siya, alam niyo ho napakadaming bumubulong.

“Yung mga bumubulong diyan, yung mga miron, ‘yan, e, minsan, e, nakakainis ‘yang mga miron. Pero mabuti na lang ho yung President natin, hindi nagpapadala sa mga ‘yan,” aniya pa.

Paniniwala pa ng aktor, “Hindi ho tayo tatagal ng isang araw. Kapag tayo ho ay nakipaggiyera sa China, hindi ho tayo tatagal ng isang araw. E, kawawa naman ho yung kabataan natin diyan. Kasi kung pinag-uusapan ho natin yung missile warfare, wala ho tayong laban du’n,” paliwanag pa niya.

Hirit pa ni Binoe, “Napakasensitibo ho na usapin ng West Philippine Sea at South China Sea. Hindi ho ‘yan nakukuha sa tsismisan, patapangan, palakihan ng bayag… hindi po.

“Kung meron ho talagang matapang diyan, gawin niyo sa sarili niyo, huwag niyong idamay ang taong bayan. Matapang kayo, e, hindi namin kayo aawatin.”

Sa huling bahagi ng kanyang FB Live, nakiusap ang aktor sa mga Pinoy, “Sana po lahat ng maging kababayan natin, huwag masyadong maging padalus-dalos. Hindi ho ito labanan ng itak pa. Tapos na ho ang labanan ng itak. Tapos na ho ang labanan ng baril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito ho ay labanan ng missile. Wala po tayo nu’n. Yun ang nakalulungkot, wala po tayong maipagmamalaki sa ngayon,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending