'Nakakaloka! Wala pa rin palang pagbabago si Kris Aquino' | Bandera

‘Nakakaloka! Wala pa rin palang pagbabago si Kris Aquino’

Jun Nardo - June 20, 2019 - 12:15 AM

KRIS AQUINO

NAKAKALOKA. Laman ng aming kolum sa pahinang ito kahapon ang aming opinyon tungkol sa pagkawala ng kahit anino ni Kris Aquino sa social media.

Hindi lang kami ang nagkomento na makabubuti ‘yun sa kanyang kalusugan, hindi siya mai-stress, na siya rin naman ang nagsabi na nagpapaariba sa kanyang mga allergies.

Pero habang sinusulat pa lang pala namin ang aming mga opinyon ay nagbalik na uli si Kris, may napakahaba na siyang post, hindi ba naman maiisip mo na lang na daig pa niya ang klima sa pagpapalit-palit ng desisyon?

Talagang hindi niya kakayaning humiwalay sa social media, tama ang opinyon ng kaibigan naming propesor na siguradong hindi pa lumalabas ang aming kolum ay hindi na kinayang panindigan ni Kris ang kanyang pangakong mawawala muna siya dahil sa kanyang pagpapagaling, niloko lang pala ni Kris ang publiko.

Pero buhay niya ‘yan, gustung-gusto niyang kinukuha ang atensiyon ng mga tao, kung anuman ang mangyari sa sinasabi niyang “healing” ay siya na ang mananagot sa kawalan niya ng paninindigan.

Mahirap talagang patulan ang kanyang mga pangako, lagi lang kasing napapako ang kanyang mga pagsumpa, wala pa ring pagbabago ang pagiging inconsistent ni Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending