Pokwang: Maawa kayo sa riders ng delivery, sila ang nag-aabono kapag nag-cancel kayo | Bandera

Pokwang: Maawa kayo sa riders ng delivery, sila ang nag-aabono kapag nag-cancel kayo

Alex Brosas - June 19, 2019 - 12:06 AM

COMEDIAN Pokwang was so disappointed sa mga taong nagka-cancel ng inorder nilang pagkain through GRAB Food.

“Karamihan din sa kanila ay mga ama, ama na malinis at marangal na naghahanap-buhay para maitaguyod ang pamilya kesa magnakaw, naaawa ako sa mga Grab drivers na nag-aabono dahil nagka-cancel ang mga customers kung kelan nakabili na sila.

“May isang driver na tinatanong ko kung may change siya for 1000 at ang sabi niya, 500 lang daw ang puhunan niya araw-araw. Pera ng driver ang pinambibili ng pagkain natin, Guys!

“Kaya maawa kayo sa mga riders ng GRAB FOOD. Sila nagpapaluwal, pumipila, naghihintay at naghahatid ng pagkain sa atin para hindi na tayo lumabas ng bahay.

“PLEASE MAKE SURE NA TAMA ORDER NIYO and DO NOT CANCEL kapag nakita niyong naka-order na sila ng pagkain niyo.

“At kung may extra money pa tayo, bigyan natin sila ng tip, lalo na kung malayo ang pinang-orderan nila, or pumila sila ng 40 minutes para sa milk tea cravings natin.”

That was her aria na tama naman. Minsan kasi, lumalabis ang ating mga kababayan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending