Kris dapat panindigan ang 'no socmed' promise para gumaling | Bandera

Kris dapat panindigan ang ‘no socmed’ promise para gumaling

Cristy Fermin - June 19, 2019 - 12:06 AM

SARADO na ang lahat ng social media account ni Kris Aquino. Deactivated na ang kanyang Instagram, Facebook at Twitter accounts.

Maganda ‘yun, mababawasan ang kanyang stress, hanggang ngayon pa naman ay wala pang gamot na naiimbentong pampawala ng stress. Pahinga lang ang ipinapayo ng mga doktor, huwag masyadong nagpapaapekto sa mga problema, ‘yun lang ang gamot na pansamantala sa stress.

Ang sakit pa naman ni Kris ay nag-uugat sa stress, umaariba ang kanyang allergies kapag masyado siyang napapagod at nag-iisip ng mga bagay-bagay na hindi niya alam kung paano niya reresolbahan, kaya tama lang ang naging desisyon niyang umiwas-lumayo na muna sa social media.

Maraming nagtataas ng kilay ngayon, bina-bash si Kris, hinahamon siya ng mga netizens kung hanggang kailan niya mapaninindigan ang desisyon niyang magsarado ng kanyang accounts.

Kung kilala raw nila si Kris ay siguradong parang sakit lang ng tiyan ang desisyong ginawa niya. Bukas-makalawa ay nandiyan na naman siya, aktibo na naman, ibinubuyangyang na naman ang lahat ng aspeto ng kanyang buhay sa publiko.

Pero kung totoong paggaling ang hangad ni Kris Aquino ay isa sa pinakamagandang paraang naisip niya ang pag-iwas muna sa social media. Magandang wala muna siyang nababasang sinasagot niya, pinapatulan niya, kaya sobrang stress ang inaabot niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending