Migo binalikan ang '24 oras walang tulugan' moments sa Starstruck | Bandera

Migo binalikan ang ’24 oras walang tulugan’ moments sa Starstruck

Ervin Santiago |June 17,2019
facebook
share this

Migo binalikan ang ’24 oras walang tulugan’ moments sa Starstruck

Ervin Santiago - June 17, 2019 - 12:10 AM

NAGSIMULA na nitong nakaraang weekend ang season 7 ng original artista search ng GMA 7 na StarStruck hosted by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado.

Ipinakilala na nga ang 22 artista hopefuls na maglalaban-laban para sa Final 14. In fairness, unang episode pa lang ay mainit na itong sinuportahan ng viewers at netizens.

Umani ito ng positive feedbacks mula sa mga manonood at nakuha pa ang number one spot sa Twitter trends nitong nagdaang weekend.

At sa pagsisimula nga ng StarStruck, napa-throwback naman ang Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa mga challenges na pinagdaanan niya noong nakikipaglaban pa siya sa programa.

Kuwento ng isa sa mga leading man ni Bianca Umali sa Kapuso primetime series na Sahaya, “I’m not going to lie, the puyatan hours. Kasi when I do an all-nighter, it’s because I’m playing video games or doing something that I like.

“So imagine an all-nighter, a whole 24 hours of feeling anxious and worried because hindi mo alam kung ikaw na ‘yung next na isasalang sa scene,” balik-tanaw ni Migo sa panayam ng GMA.

“It gets to a point where you are so worried but it’s so late at night that your mind kind of goes loopy, and you just start doing weird things. Ha-hahaha! You start playing games to make yourself less bored, and then all of a sudden salang ka na,” aniya pa.

Dagdag pa ng binata, “Even though me and the StarStruck family aren’t too close as we were before, I’m sure all of us took home all of those sweet memories.”

Samantala, kitang-kita naman ang napakalaking improvements sa acting ni Migo sa Sahaya bilang si Jordan, ang kaagaw ni Ahmad portrayed ny Miguel Tanfelix kay Sahaya, na ginagampanan naman ni Bianca.

Talagang bawat episode ng serye ay nagmamarka ang mga eksena ni Migo. Sa katunayan, mas dumarami pa ang supporters ng loveteam nina Migo at Bianca dahil sa mga pakilig na eksena nila sa Sahaya kaya naman umiinit din ang kampihan sa pagitan ng mga fans ng tambalang BiGuel at BianMig.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Sahaya, titindi pa ang nararamdamang selos ni Ahmad dahil napi-feel niya na nahuhulog na ang loob ng dalaga kay Jordan. Parang gusto na niyang isuko ang pagmamahal kay Sahaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero hindi siya magpapatalo dahil alam niyang mas boto sa kanya ang nanay ni Sahaya na si Manisan (Mylene Dizon) kesa kay Jordan. Patuloy na tutukan ang Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Kara Mia.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending