Angel handang tumulong sa anti-drug campaign ni Duterte
“THANK you to all my 5.5M Instagram and 11M Twitter followers for being there since the beginning, through all the challenges and milestones. As promised, when we reached 5M on IG, I would like to share with you this simple celebration of helping 31 scholars through schooling.
“I believe that education is one of the best gifts we can share to others and that empowered individuals can help shape a bright future,” ‘yan ang caption ni Angel Locsin sa Instagram post niya kamakailan.
Hindi makuwentong tao si Angel tungkol sa mga natulungan niya, ‘yan ang pagkakakilala namin sa dalaga dahil ilang ulit na siyang nakikiusap sa amin na huwag na naming isulat ang mga ginagawa niyang pagtulong.
Naniniwala kasi si Angel na kapag sincere ang pagtulong ay hindi ito dapat ipinapa-media, pero hindi naman din maiwasan na may lumalabas din dahil nga may mga supporters siyang kumukuha at ibinabahagi ito sa kanilang social media accounts kaya nalalaman din ng publiko.
Pati nga personal na gamit ni Angel ay ibinebenta niya para mai-donate sa isang ahensya na tumutulong sa mga nangangailangan.
At sa recent IG post nga niya ay hindi namin inakala ma umabot na pala sa 31 ang scholars niya kaya labis na nagpapasalamat ang lahat sa kabutihang loob ng aktres.
Walang hinihinging kapalit si Angel sa mga taong natulungan at tinutulungan niya pero in their own little way ay pinagbubuti nila ang kanilang pag-aaral at suportado nila ang lahat ng projects ng aktres.
True to life ang karakter ni Angel bilang si Rhian Bonifacio sa teleseryeng The General’s Daughter na tinutulungang iligtas ang mga inosenteng taong dinadamay ng grupo ng mga karakter nina Tirso Cruz III, Dionne Mosanto at Janice de Belen na sangkot sa ilegal na droga.
Ang hindi lang natin alam ay kung tumutulong din off-camera si Angel sa kampanyang anti-drugs ni Presidente Rodrigo Duterte. Pero sigurado kami na willing din si Angel na ibigay ang kanyang serbisyo para makatulong sa anti-drug campaign ng gobyerno.
Anyway, base sa umeereng kuwento ng TGD ay hinihikayat na ng karakter ni Angel si Paulo Avelino na isuko na si Heneral Tiago para sa ikatatahimik nila, pero dahil ang binata na ang pinuno ngayon ng grupo ay nagdadalawang isip siya.
Nananatili pa ring number one sa kanyang timeslot sa primetime ang The General’s Daughter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.