Ai Ai, Ate Gay, Alden kanya-kanyang paandar sa TBATS

By Bandera June 16,2019
share this

Ai Ai, Ate Gay, Alden kanya-kanyang paandar sa TBATS

By Bandera June 16,2019
share this

AI AI DELAS ALAS, ALDEN RICHARDS AT ATE GAY

Sa lahat ng mga adik sa laging trending at top-rating na The Boobay and Tekla Show, isa na namang pasabog na episode ang dapat n’yong abangan tonight.

For the first time, Alden Richards, in his naughtiest element yet, will surely tickle your imagination in the controversial segment “Feeling the Blank.” At sa “Pranking in Tandem” makikilala rin ng Pambansang Bae ni Alden ang tatlong Alden-lookalike.

Siguradong sasakit naman ang inyong tiyan sa katatawa para sa first ever debate sa pagitan ng dalawang impersonator ni Kris Aquino – live na live!

Watch viral sensation Krissy Achino and Divine Tetay face off in the hilarious battle of wits as they defend their stance on various wacky topics in “TBATS na, Debate pa!”

Hindi rin magpapatalo ang Queen of Mash-up na si Ate Gay, na siyang naatasang magbigay ng payo sa pamamagitan ng song mash-ups sa “Dear Boobay and Tekla.”

May bonggang paandar din ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa isa na namang nakakalokang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho parody. Gaganap siya bilang ina ng dalawang magkapatid na nagkahiwalay noong World War II.

But wait, there’s more! Sa “TBATS on the Street,” tatanungin nina Boobay at Tekla ang mga grade school pupils na tapusin ang mga sikat na kasabihan tulad ng, “May pakpak ang balita, may tainga ang ________.”

Kaya huwag na huwag aabsent ngayong Linggo ng gabi sa The Boobay And Tekla Show after Kapuso Mo Jessica Soho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending