NCRPO may banta sa mga computer shops na nagpapasok ng estudyante sa class hours | Bandera

NCRPO may banta sa mga computer shops na nagpapasok ng estudyante sa class hours

- June 13, 2019 - 07:26 PM

NAGBANTA si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major. Gen. Guillermo Eleazar na ipapasara ang mga computer shops na pinapayagang maglaro ng online games ang mga estudyante sa oras ng klase.

Ito’y matapos mahuli ng NCRPO chief ang 12 senior high school students na naglalaro ng online games sa Sandbox CyberCafe sa West Rembo, Makati City.

“Sana magsilbing leksyon ito sa kanila. We will make proper documentation, and we will coordinate with the LGU,” sabi ni Eleazar.

Sa ilalim ng Department of Education Order 86, series of 2010, bawal ang mga estudyante mula sa pampubliko at pribadong elementary at high school na pumunta sa computer shop, mall, at sinehan sa oras ng klase.

Nagsasagawa ng inspeksyon si Eleazar para matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa ordinansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending