Dingdong biglang pumayat, naghahanda na sa 2019 BMW marathon sa Germany | Bandera

Dingdong biglang pumayat, naghahanda na sa 2019 BMW marathon sa Germany

Bandera |June 14,2019
facebook
share this

Dingdong biglang pumayat, naghahanda na sa 2019 BMW marathon sa Germany

Bandera - June 14, 2019 - 12:40 AM

MARIAN RIVERA, DINGDONG DANTES AT ZIA DANTES

DADAYO talaga si Dingdong Dantes sa Germany para sumabak sa BMW Berlin Marathon sa darating na September.

Ito ang dahilan kung bakit nagpapayat ang Kapuso Primetime King bilang paghahanda nga sa nasabing sport event.

Sa nakaraang mediacon ng StarStruck Season 7, ikinuwento ni Dingdong na si Kim Atienza ang nagkumbinsi sa sa kanya na sumali sa Berlin marathon. Marami raw silang mga Pinoy ang makikilahok doon.

Bukod dito, kailangan din daw niyang ikundisyon ang katawan para na rin sa mga susunod niyang proyekto sa GMA, kabilang na nga riyan ang pagbibidahan niyang Pinoy version ng hit Korean drama na Descendants of the Sun.

“Naging panata ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Kasi, mula noong ipinanganak si Sixto, gusto kong i-renew yung commitment ko sa kalusugan.

“Kasi dati, naging active ako nung si Zia ang ipinanganak. Sabi ko, ibalik ko yun. So, nag-commit ako na sumali sa isang marathon.

“Parang reflection yun na talagang committed ka para sa health mo. Kung pumayat ka, resulta na lang yun,” ani Dong.

All out naman ang support ng misis niyang si Marian Rivera sa pagsali niya sa BMW marathon pero hindi pa sure kung makakasama ang Kapuso Primetime Queen sa Germany dahil nga nakatutok ito sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak, lalo na kay Sixto.

Samantala, ngayong Sabado na magsisimula ang season 7 ng StarStruck pagkatapos ng Daddy’s Gurl at tuwing Linggo pagkatapos naman ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending