Manoy kritikal pa rin; pamilya patuloy na humihiling ng dasal | Bandera

Manoy kritikal pa rin; pamilya patuloy na humihiling ng dasal

Bandera |June 14,2019
facebook
share this

Manoy kritikal pa rin; pamilya patuloy na humihiling ng dasal

Bandera - June 14, 2019 - 12:20 AM

EDDIE GARCIA

Muling humiling ng taimtim na panalangin ang pamilya at mga kaanak ng veteran actor-director na si Eddie Garcia para muli itong magkamalay.

Nasa critical condition pa rin si Manoy sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center. Sa huling medical report mula sa spokesperson ng pamilya ng aktor na si Dr. Tony Rebosa, stable na ang blood pressure ni Manoy matapos makaranas ng hypotension.

“Mr. Eddie Garcia has been having episodes of hypotension (low blood pressure) but BP (blood pressure) at the moment is now stable again,” ayon sa doktor.

Nagtamo ng neck fracture ang aktor matapos madapa sa taping ng upcoming Kapuso series na Rosang Agimat noong Sabado.

Naniniwala naman ang mga supporters ni Manoy Eddie na gagaling siya kaya naman hindi sila tumitigil sa pag-aalay ng dasal para sa pagbuti ng kundisyon nito.

Wala pang bagong statement na inilalabas ang GMA 7 management tungkol sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa nangyaring insidente sa taping ng Rosang Agimat.

Nangako ang Kapuso network na aalamin nila kung totoong may kakulangan ang production sa nangyari kay Manoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending