Justin Bieber hinamon ng ‘bugbugan’ si Tom Cruise

By Ervin Santiago June 12,2019
share this

Justin Bieber hinamon ng ‘bugbugan’ si Tom Cruise

By Ervin Santiago June 12,2019
share this

JUSTIN BIEBER

HINAMON ng international singer na si Justin Bieber ang Hollywood actor na si Tom Cruise sa isang “bugbugan”.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinost ni Justin ang kanyang challenge laban kay Tom.

“I wanna challenge Tom Cruise to fight in the octagon. Tom if you don’t take this fight your scared and you will never live it down. Who is willing to put on the fight? @danawhite,” tweet ng Canadian singer.

Ang Dana White na kanyang tinutukoy ay ang head ng Ultimate Fighting Championship (UFC).

Kanya-kanya namang comments ang netizens sa paandar ni Justin, kabilang na nga riyan ang UFC champion na si Conor McGregor.

“If Tom Cruise is man enough to accept this challenge, McGregor Sports and Entertainment will host the bout. Does Cruise have the sprouts to fight, like he does in the movies? Stay tuned to find out!” ayon kay Conor.

Wala namang binanggit si Justin kung bakit si Tom ang gusto niyang makalaban pero ayon sa isang netizens, may malalim na hugot daw ang Canadian singer sa bida ng Hollywod movie na “Mission Impossible”.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot si Tom Cruise sa imbitasyon ni Justin Bieber para sa isang UFC fight.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 180k likes ang tweet ni Justin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending