Mikee Quintos umamin, inaatake pa rin ng insecurity

By Jun Nardo June 13,2019
share this

Mikee Quintos umamin, inaatake pa rin ng insecurity

By Jun Nardo June 13,2019
share this


HAHARAPIN ngayon ng Kapuso multi-talented artist na si Mikee Quintos ang bagong challenge sa kanyang showbiz career.

Bibida sila ng The Clash alumnus na si Anthony Rosaldo sa concert na “Revelation” sa June 28, 2019 sa Music Museum.

Eh, nang pumasok si Mikee sa showbiz, ang pag-arte ang naging focus niya kaya nakalimutan niya pansamantala ang first love niyang singing.

Nang sabihin sa kanya ng GMA Artist Center na isasabak siya sa concert, ang tanong niya, “Sure na ba kayo? Nakaka-excite din. I wanna inspire people.”

Dumating kasi sa point si Mikee na na-insecure sa pagkanta. Baka isipin daw kasi ng tao na hanggang pag-arte lang ang alam niya.

“Kaya may pagkakataon na naiisip kong, ‘Bibilhin kaya ng friends ko ang tickets na ibebenta ko?’ Kasi nga acting ang naging focus ko at sa promo lang ako kumakanta,” rason niya.

“At first nahihiya akong ikuwento. Ang hirap aminin na insecure ako like, ang hirap aminin eh. Baka lalo ka pang ma-hurt sa marinig mo.

“Pero naisip ko I’m not the only one who feels this way. So I want to share the journey emotionally to the people na ganito ito ka-important sa akin.

“Huwag kayong mahiya. Kaya ninyo ‘yan, hindi kayo nag-iisa,” mahabang paliwanag ng Kapuso singer-actress.

Magiging special guests nila ni Anthony sa “Revelation” sina Solenn Heussaff at Aicelle Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending