Diana, James balik-Dragon Lady; Janine marami pang pasabog

June 13,2019
share this

Diana, James balik-Dragon Lady; Janine marami pang pasabog

June 13,2019
share this


NAGING mapuso at emosyonal ang nakaraang episode ng GMA afternoon series na Dragon Lady na muling tinutukan ng Kapuso viewers.

Bumaha ng luha nang muling makita ni Scarlet (Janine Gutierrez) ang kanyang mga magulang na sina Almira (Diana Zubiri) at Bryan (James Blanco).

Nagbunga na rin ang pakikipagtuos ni Scarlet laban kina Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Ching).

Sa tulong na rin ni Goldwyn (Edgar Allan Guzman), nailayo at naitakas nila sa mga tauhan ni Vera sina Almira at Bryan.

In fairness, ramdam na ramdam ng mga manonood ang pagkasabik ni Scarlet na makasama muli ang kanyang mga magulang na matagal ngang nagtago para takasan ang kanilang nakaraan.

Pero ngayong nagkasama-sama na sila uli, tuluyan na nga bang magwawakas ang kasamaan ni Vera? O, ito pa lang ang simula ng mas matitinding pagsubok sa pamilya ni Scarlet?

Samantala, hanggang saan naman aabot ang galit ni Michael (Tom Rodriguez) kina Scarlet at Goldwyn?

Tuluyan na kaya siyang makipagsabwatan sa grupo ni Vera para wasakin ang relasyon ng dalawa?

Marami pang pasabog ang Dragon Lady sa mga susunod na episode kaya huwag na huwag nang bibitiw.

Napapanood pa rin ang serye mula Lunes hanggang Sabado after Eat Bulaga sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending