Asawang politiko ng ex-beauty queen talunan sa eleksyon; sinampal, pinagmumura ang staff

By Ronnie Carrasco III June 13,2019
share this

Asawang politiko ng ex-beauty queen talunan sa eleksyon; sinampal, pinagmumura ang staff

By Ronnie Carrasco III June 13,2019
share this


BLIND item muna tayo.

Talunan nitong nakaraang eleksiyon ang negosyanteng asawa ng isang former beauty queen who ran for an elective post down South.

In fairness, even if the lost candidate knew he had a winning edge over his opponent ay nagpakawala pa rin siya nang limpak-limpak na salapi para sa mga botante through his leaders.

Pero sa halip na ipamigay raw sa tao’y diretso sa kanila-kanilang bulsa ang pera. Katwiran ng mga ito, tiyak naman daw na mananalo ang kanilang pinagpapagurang sinuportahan.

But this wasn’t so. “Lost in outer space” ang kandidato.

In no time did the also-ran discover ang tungkol sa alingasngas sa likod ng kanyang sinapit. After the elections, ipinatawag niya ang kanyang mga lider at isa-isa raw nakatikim ng malakas na sampal they never imagined would land on their cheeks.

With matching mura pa raw ‘yon na mahihiya ang malutong na chicharon.

Of course, hindi ang talunang pulitiko ang huhulaan n’yo kundi ang napangasawa nitong ex- beauty queen.

Clue: she competed in the international pageant held in a European capital. She was a one-time movie actress na umaapir paminsan-minsan in TV commercials with her “co-equals.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending