GF ni Jason sinabotahe kaya sumablay sa Q&A ng Bb. Pilipinas

By Jun Nardo June 12,2019
share this

GF ni Jason sinabotahe kaya sumablay sa Q&A ng Bb. Pilipinas

By Jun Nardo June 12,2019
share this

JASON ABALOS AT VICKIE RUSHTON

Ipinagtanggol ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang girlfriend na si Vickie Rushton na gumawa ng ingay sa katatapos na Bb. Pilipinas 2019 grand coronation night.

Marami ang nanghinayang sa pagkatalo ng dalaga sa pageant. Umpisa pa lang kasi ay humakot na siya ng special awards pero after pumasok sa Top 15, nganga na ang GF ni Jason.

Sumablay kasi si Vickie sa Q&A portion kaya nabigo siyang makakuha ng title. Dahil dito, marami ang nam-bash sa dalaga pero meron din namang nagpalakas ng kanyang loob.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay naman ng mensahe si Jason para sa dalaga, ‚ÄúSobrang prepared siya sa lahat, pinaghandaan nya talaga ‘to. Hindi lang siya handa sa fans ng ibang candidates na nag-ingay noong siya na ang sumasagot sa Q&A, hindi ko sila masisisi.
“Kung ako man siguro iba ang bet ko tapos hakot awards ‘yung isa, makakaramdam din ako ng takot. Pero tapos na guys, ok na yan.

“Happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila, marami sila natutunan, matuto na din tayo rumespeto ng ibang tao. Kung mas magaling kayo wag na kayo magyabang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending