‘Video ng pagkadapa ni Manoy sa taping hindi sapat para sisihin ang GMA’

By Jun Nardo June 12,2019
share this

‘Video ng pagkadapa ni Manoy sa taping hindi sapat para sisihin ang GMA’

By Jun Nardo June 12,2019
share this

EDDIE GARCIA

UMARYA na naman ang pagiging judgmental ng ilan nating kababayan lalo na ‘yung mahilig sumawsaw sa social media.

Kaugnay ito sa nangyaring aksidente involving Eddie Garcia sa taping ng bago niyang Kapuso series nu’ng Sabado.

Ayon sa latest medical bulletin na inilabas ng kanyang doctor sa Makati Medical Center, neck fracture ang rason ng kanyang “deep sleep” hanggang ngayon.

Siyempre, ‘yung mga nakisawsaw ay GMA Network agad ang sinisi dahil umano sa kapabayaan ng production sa taping pero ang pinagbasehan lang nila ay ang lumabas na video ng aksidente. Sa bagong statement, nagpaliwanag agad ang network tungkol sa nasabing issue.

“It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs.

“Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8.

“GMA is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident.”

Kesa manisi, akusahan ng kapabayaan ng Kapuso network, ipagdasal na lang ang mabilisang paggaling ni Tito Eddie dahil wala namang may gusto sa nangyari sa kanya.

Hindi lang pansariling interest ng GMA ang inuuna nila kungdi lahat ng mga taong kasama sa paggawa ng isang series mula sa production staff, crew, hanggang sa mga artista maliit man o malaki, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending