Hirit ni Kyline kay Cherie: Pwede n’yo po ba akong sampalin?!

By Bandera June 12,2019
share this

Hirit ni Kyline kay Cherie: Pwede n’yo po ba akong sampalin?!

By Bandera June 12,2019
share this

CHERIE GIL AT KYLINE ALCANTARA

Na-starstruck at talagang natulala si Kyline Alcantara nang makaharap si Cherie Gil.

Si Kyline ang host ng online version ng StarStruck Season 7 kung saan isa sa uupong council member si Cherie kasama sina Heart Evangelista at Jose Manalo.

“Nang ininterbyu ko po si Miss Cherie for one of my episodes dito sa Inside StarStruck, ahhm, hindi ako nagsasalita,” kuwento ni Kyline sa mediacon ng original artista search ng GMA 7.

“Kasi, first time ko po siyang na-meet. Na-starstruck po ako! Parang nakaganyan lang ako sa kanya. Tapos, sabi niya sa akin, ‘Can you talk?’

“Sabi ko, ‘Ahm, kinakabahan po kasi ako. Sorry po!’ Tapos, nag-request ako sa kanya, ‘Puwede niyo po ba akong sampalin?’ Tinawanan niya lang ako. Nasa bucket list ko po talaga na masampal ni Miss Cherie,” pag-amin ng Kapuso youngstar.

Excited na si Kyline bilang host ng online show ng StarStruck, ang Inside StarStruck, na napapanood sa YouTube Lunes hanggang Biyernes, 6 p.m.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending