Angelica kay Carlo: Hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon

By Bandera June 12,2019
share this

Angelica kay Carlo: Hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon

By Bandera June 12,2019
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

“HINDI siya nag-e-exist sa life ko ngayon!” Yan ang diretsong sagot ni Angelica Panganiban nang matanong tungkol kay Carlo Aquino.

Ayon sa Kapamilya actress, wala siyang maibibigay na sagot sa mga question about her ex-boyfriend dahil matagal na silang hindi nagkikita at nag-uusap matapos nga nilang gawin ang kanilang last movie at isang TV commercial.

“Wala, wala. Hindi siya nag-e-exist sa life ko ngayon, e. Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya,” pahayag ni Angelica sa panayam ng ABS-CBN.

Sa tanong kung open ba siya na makipag-usap uli kay Carlo para malinawan ang mga isyu sa kanilang “relasyon”, sagot ni Angelica, “Matagal ko nang hinihintay yung explanation niya, sana matagal na niyang ginawa.”

Kung matatandaan, naging close muli ang Kapamilya actress at si Carlo nang gawin nila ang pelikulang “Excess Baggage” last year at inakala ng kanilang fans na magkakabalikan na sila after the reconciliation.

Pero balitang pinaasa lang daw ni Carlo si Angelica kaya naman nagsunud-sunod ang hugot post ng dalaga tungkol sa kanyang lovelife. Mas uminit pa ang isyu nang lumabas ang balita na girlfriend na pala ng aktor ang model na si Tricia Candaza.

Dahil dito na-bash sina Carlo at Tricia, tinawag sila ng fans ni Angelica na ahas at manloloko. Kamakailan, nag-post si Carlo sa kanyang social media account at nakiusap na tigilan na ang pambabatos kay Tricia.

“Walang ibang may kasalanan kundi ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit,” sabi ni Carlo.

Ayon kay Angelica, ine-enjoy na lang niya ang pagiging single at patuloy pa rin naman daw ang kanyang pakikipag-date pero wala pa siyang planong pumasok sa bagong relasyon.

“Someday, not soon kasi ayoko muna talaga. Masarap i-enjoy yung relationship with yourself, lalo na kapag na-discover mo yung kung ano talaga gusto mo kung saan ka sasaya,” pahayag pa ng Hugot Queen.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending