Nasa likod ng pagbebenta ng Chinese flags sa Luneta hina-hunting na | Bandera

Nasa likod ng pagbebenta ng Chinese flags sa Luneta hina-hunting na

- June 11, 2019 - 02:59 PM

INAALAM na ng Manila Police District (MPD) ang mga nasa likod ng pagbebenta ng mga watawat ng China sa Luneta Park, ayon kay Manila Police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

“MPD is on the process of identifying the suspects who maliciously ordered the display and selling of Chinese flags in an unauthorized place,” sabi ni Danao.

Idinagdag ni Danao na nahaharap ang mga sangkot sa kasong paglabag sa Republic Act 8491 kaugnay iligal na paggamit ng watawat.

“Under Section 34 of the law, it is forbidden to display in public any foreign flag, except embassies and other diplomatic establishments, and in offices of international organization; and to use, display or be part of any advertisement or infomercial,” sabi ni Danao.

Ito’y matapos namang nag-viral sa social media ang mga litrato ng mga nagbebenta ng watawat ng China ilang araw bago ang paggunita ng Araw ng Kalayaan. 

Sinabi ng National Parks Development Committee (NPDC) na sinadya ang pagbebenta ng watawat ng China.

Ayon sa mga nagbebenta ng bandila, binayaran lamang sila ng P100 para magbenta ng watawat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending