Kasalang Richard-Sarah wala nang urungan sa 2020 | Bandera

Kasalang Richard-Sarah wala nang urungan sa 2020

Ervin Santiago - June 11, 2019 - 12:50 AM

SARAH LAHBATI, RICHARD GUTIERREZ, ZION AT KAI

TULOY na tuloy na ang kasal nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez next year.

Nagsimula nang mag-prepare ang magdyowa para sa kanilang bonggang wedding sa 2020 kaya naman ngayon pa lang ay excited na rin ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sarah ng mga litrato nila ni Richard kasama ang panganay nilang anak na si Zion. Kuha ito sa recent trip nila sa Hawaii.

At sa caption nga na inilagay niya sa mga photo ay ibinahagi niya ang update sa plano nilang pagpapakasal ni Richard.

“As we officially prepare for our wedding next year, I can’t help but feel grateful for this life I have, for my beautiful and amazing family, for my best friend who also happens to be the love of my life.

“I thank God for all the lessons, for His guidance and for growth. Being able to experience new things and places with the person you love and grow at the same time is something magical.

“I thank God everyday for what I have and for what’s to come,” aniya pa.

Kung matatandaan unang ibinalita nina Sarah at Richard ang kanilang wedding plans noong Dec. 13, 2018 sa panayam ng Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.

Nag-propose ang aktor kay Sarah noong March, 2017 sa isang napakagandang lugar sa Zermatt, Switzerland. Pero na-delay ang plano nilang pagpapakasal matapos mabuntis si Sarah sa second child nilang si Baby Kai.

Ayon sa isang panayam kay Sarah, hands on din si Richard sa wedding preparations, “Bigger details, nandiyan siya to organize with me. Ang hirap kami ngayon ay yung in terms of making it intimate, ang laki ng families namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa tanong kung anl ang feeling niya ngayong malapit na silang ikasal ni Richard, “Masaya na nakakanerbiyos na exciting yung process of organizing a wedding, but we’re super excited mostly.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending