Ben Tulfo kay Sec. Bautista: Ang kapal! Daig mo pa si Padre Damaso at mga kauri mo! | Bandera

Ben Tulfo kay Sec. Bautista: Ang kapal! Daig mo pa si Padre Damaso at mga kauri mo!

Alex Brosas - June 10, 2019 - 12:25 AM

PINALAGAN ni Ben Tulfo ang mga conditions ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista para patawarin ang kanyang kapatid na si Erwin Tulfo.

Gusto ni Sec. Bautista na mag-issue ng public apology si Erwin sa major broadsheets, social media platforms at radio stations.

Gusto rin nitong mag-donate si Erwin ng P300,000 each sa 19 na organizations.

“Putres na brotherhood! ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. BUTAW na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan. Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpa-patawa ka ba?! #unfiltered,” tweet ni Ben.

Nag-react naman ang followers ni Ben sa kanyang Twitter account.

“Nung una dami nag react dami sumawsaw sabi dapat daw mag sorry kase mali yung mga sinabi.

Tinanggap naman ni Erwin ang mali niya kaya nga nagpakumbaba at nag sorry twice pa. Hindi pa rin sila tumigil. Ngayon ganyan naman ang gusto. Sana nung una pa lng sinabi na.”

“Si General retired na pero ang gusto nya na ahensya kung saan mag donate (for apology) si sir Erwin e sa AFP, diba dapat dun sa DSWD kung saan sya nakadestino ngayun at may presyohan na pala ngayun para malaman kung sincere yung paghingi ng tawad.”

Actually, wala namang hiniling si Sec. Bautista for himself. ‘Yung donations ay hindi naman para sa kanya kaya unfair na sabihing mukha siyang pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending