Bagong project ng LizQuen hindi na matutuloy? | Bandera

Bagong project ng LizQuen hindi na matutuloy?

Reggee Bonoan |June 08,2019
facebook
share this

Bagong project ng LizQuen hindi na matutuloy?

Reggee Bonoan - June 08, 2019 - 12:15 AM

LIZA SOBERANO, ENRIQUE GIL AT OGIE DIAZ

DINALAW ni Enrique Gil ang girlfriend niyang si Liza Soberano sa Amerika kung saan mananatili ang aktres nang ilang buwan dahil inoperahan ang kanyang daliri dahil sa bone infection.

Base sa kuwento ng manager ni Liza na si Ogie Diaz nitong Huwebes nang hapon ay dumating si Quen kaya nagpaiwan ang binata nu’ng umalis na siya.

“Isang linggo lang kami ng pamilya ko sa Amerika, kasama na rin sa pagdalaw ko kay Liza. Tapos dumating nga si Enrique,” say ni Ogie.

Bakas sa mukha ni Liza ang saya na muling nakapiling si Quen base na rin sa mga litratong ipinost ni Ogie sa kanyang Facebook page kung saan makikitang magkakasama silang namasyal sa Disneyland at Six Flags America na madalas puntahan ng mga turista.

Inalam namin kay Ogie kung hanggang kailan si Liza sa Amerika dahil nga matagal ang healing process matapos ang operasyon sa daliri ng aktres.

“Depende sa payo ng doktor. Kaya nga hindi pa kami makapagpa-schedule para sa taping ng bagong teleserye nila ni Enrique kasi depende pa rin kung kailan siya uuwi,” sabi pa sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending