Mr. Fu, Noel Cabangon, Gold Lim nganga sa trabaho kung biglang mawala ang boses
ANG dami naming natutunan tungkol sa usaping lalamunan mula kina Win Radio DJ Mr. Fu, Philippine Educational Theater Association (PETA) thespian Gold Villar-Lim, at OPM icon Noel Cabangon.
Lahat ng aming nabanggit ay boses talaga ang puhunan sa kanilang trabaho kaya naman may kanya-kanya rin silang “hugot” pagdating sa pag-aalaga ng kanilang voice na siyang pinakamahalaga sa kanilang work.
Humarap sina Mr. Fu, Noel at Gold sa members ng entertainment media kamakalawa bilang mga ambassador ng Sorexidine, ang itinuturing na gold standard sa hanay ng gargle solution sa merkado na maaaring gamitin sa sore throat.
Dito, ibinahagi nila ang kani-kanilang experience kung paano nila inaalagaan ang kanilang boses. Chika ni Mr. Fu o Jeffrey Espiritu sa totoong buhay, “Bilang isang DJ at host na rin, importante na alagaan ko ang boses ko dahil ito ang instrumento ko.
“Sa araw-araw na demands ng trabaho ko, mahirap mawalan ng boses, ‘di ba? Paano tayo makakabwelo sa tsismisan kapag wala tayong boses, lalung-lalo na kung may mainit na issues,” sey pa ng DJ-comedian.
Ayon naman kay Gold, na naging bahagi ng “Rak of Aegis” musicale mula sa first season nito, “Dati nauubusan talaga ako ng boses. Noong dumating yung panahon na mayroon akong multiple runs for seven days, kinailangan ko na may boses lagi. Natuto kong gamitin ang diaphragm.
“Kada eksena, umiinom din ako ng tubig. Sa teatro kasi ay malamig dahil air-conditioned kaya dapat may diskarte din para alagaan ang boses,” aniya pa.
Para naman kay Noel, “Bago ako kumanta, sinisiguro ko na mayroon akong sapat na tulog. Minsan bago ang event, I do cardio exercise. Hindi rin ako masyadong nagsasalita. Hindi rin ako kumakain ng sweets.”
Nagmarka sa music industry si Noel sa kanyang timeless hit na “Kanlungan,” na ni-release noong 1992 ng kanyang dating grupo, ang Buklod.
Present din sa nasabing event si Dr. Teresa Gloria-Cruz, UP-PGH consultant ng Surgery para sa Otorhinolaryngology na talagang idinetalye kung bakit nagkaka-sore throat ang isang tao at kung anu-ano ang pwedeng gawin para gamutin ito, “Ang sore throat ay ‘yung pananakit o pagkairita ng lalamunan. Maarin din itong, ‘yung tinatawag ng marami ng makati o pesteng ehem.”
Dagdag pa niya, “Ang sore throat ay masasabi nating viral kung sa loob ng tatlo or limang araw ay bumuti ang pakiramdam ng pasyente. Kapag hindi bumuti sa loob ng isang lingo, ito ay isang bacterial infection na mangangailangan ng antibiotic.”
“Maging viral man ito o bacterial, importante na gumamit o mag-gargle ng saline solution sa umpisa pa lang ng sintomas. Isang kutsarita ng asin sa isang litro ng tubig ang tamang sukat. Dapag nating tandaan na importante ‘yung mechanical action ng gargling kasi ito ang papatay sa bacteria at pipigil sa paglubha o pagtagal ng sakit,” paliwanag pa ng doktora.
Ayon naman kay Pharex Healthcorp president Tomas Luke Marcelo “Beau” Agana III, “Ang chlorhexidine gluconate solution na nasa Sorexidine ay considered na gold standard sa antimicrobial oral hygiene. Ito ay napatunayan na safe and effective to fight off bacteria, virus, at fungi at nakakatulong na mag-reduce ng plaque-causing bacteria up to 60 percent.”
Incidentally, ang Sorexidine ay sumusuporta sa PETA sa pagbabalik ng “Rak of Aegis” sa entablado simula July 5 hanggang Sept. 29. Ngayong Season 7, kasama pa rin sina Gold at Noel sa cast ng well-loved musical na ito.
“Kami po ay excited na parte po kami ng ‘Rak of Aegis’ sa kanilang ika-7 season billing sponsor,” sabi pa ni Agana.\
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.