Reklamo ni Hidilyn Diaz sa PSC kinontra: Milyun-milyon na ang nagastos sa kanya | Bandera

Reklamo ni Hidilyn Diaz sa PSC kinontra: Milyun-milyon na ang nagastos sa kanya

Cristy Fermin - June 07, 2019 - 12:40 AM

HIDILYN DIAZ

Hindi naging maganda ang impresyon ng mga kababayan natin sa mga reklamong itinaas ng atletang si Hidilyn Diaz kontra sa Philippine Sports Commission.

Ayon kay Hidilyn na itinuturing na isang malaking karangalan para sa Pilipinas ang pagsusulat sa pangalan ng ating bayan sa mapa ng mundo dahil sa iniuwi niyang medalya sa weightlifting ay hirap na hirap na raw siya.

Kulang na kulang daw sa suporta sa kanya ang PSC, kailangang-kailangan daw niya ‘yun bilang paghahanda sa Olympics dalawang taon pa mula ngayon, maraming reklamo ang atleta.

Sa unang pagbasa ng kanyang mga posts ay madaling unawain ang kanyang mga reklamo, matagal nang ganu’n din ang emosyon ng marami nating manlalaro, kapos na kapos sa suporta ang PSC sa kanila.

Pero nang maglabas na ng opisyal na sagot ang PSC tungkol sa mga reklamo ni Hidilyn Diaz ay nabaligtad ang senaryo. Siya na ang pinupuna-bina-bash ng mga kababayan natin.

Pinatunayan kasi ng pamunuan ng PSC na halos sa kanya na nga nakatuon ang suporta ng komisyon, milyunan na ang nagagastos ng ahensiya kay Hidilyn, kaya wala siyang karapatang magreklamo pa.

Binabayaran ng PSC ang kanyang trainer na banyaga, meron siyang buwanang allowance, lahat ng kailangan niya ay pinahahalagahan ng PSC.

Lumalabas tuloy ngayon na umaangas na si Hidilyn Diaz, masyado nang mapaghanap, samantalang hindi lang naman siya ang nag-iisang atletang dapat bigyan ng atensiyon at suporta ng PSC.

Naalala tuloy namin ang track and field champion na si Lydia de Vega, Asia’s Fastest woman ang kanyang titulo, ni katiting na angas ay hindi naramdaman ng publiko sa mapagkumbabang kampeong atleta.

Wala lang. Naalala lang namin si Diay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending