Sin tax reform bill pirma na lang ni Duterte ang kulang | Bandera

Sin tax reform bill pirma na lang ni Duterte ang kulang

Leifbilly Begas - June 04, 2019 - 08:34 PM

TINANGGAP ng Kamara de Representantes ang bersyon ng Sin Tax Reform bill ng Senado.

Kaya hindi na kinailangan pang dumaan nito sa bicameral conference committee at idederetso na sa Malacanang para pirmahan ni Pangulong Duterte at maging batas.

Sa ilalim ng panukala, simula sa Enero 1, 2020 ay itataas sa P45 ang buwis sa bawat pakete ng sigarilyo. Muli itong itataas sa 2021 at magiging P50, P55 sa 2022 at P60 sa 2023.

Simula sa 2024 at sa mga susunod pang taon ay itataas ito ng limang porsyento.

Ang mga heated tobacco products naman ay papatawan ng P10 kada pakete na may 20 stick. Ang mga vapor product naman ay papatawan ng P10 excise tax para sa bawat 10 milliliter nito. Itataas ito ng limang porsyento simula 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending