Ai Ai: Sa lahat ng mga nanloko sa akin, si Lord na ang bahala sa inyo
“SA mga nanloko sa akin si Lord na ang bahala sa inyo!” Yan ang hugot ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na kanyang ipinost sa Instagram.
Ayon sa Kapuso TV host-actress, sa kabila raw ng kabaitan niya sa mga taong pinagkatiwalaan niya ay nagawa pa rin siyang traydurin at lokohin, lalo na sa negosyo.
Sa kanyang IG hugot, ikinuwento ng komedyana kung paano siya nangarap noon at kung paano natupad unti-unti ang mga ito. Narito ang mahabang litanya ni Ai Ai.
“Good morning everyone. #hugotmonday, eto mga natutunan ko sa buhay ko sa pag daloy ng panahon, TRUST GOD, wag mawalan ng pag asa, ang buhay ay pana panahon, etc etc…
“Sa buhay ko ang pangarap ko dati maging flight attendant pero d natupad…ngayun nasa showbusiness ako iniingatan ko ang bigay ng DYOS sa akin na trabaho or career kasi naniniwala ako na lahat ng bagay bigay ng DYOS. (pag d mo iningatan sayang at baka bawiin nya) sobra ako nag sisipag Para sa pamilya ko, mga anak, magulang, para sa future namin ni gerald at magiging anak naming…
“Simple lang naman ang pangarap ko buong pamilya at mag karon ng food chain kagaya ng jollibee hahaha! Pero minsan hindi naten ma control ang nangyayre sa buhay naten na mag tataka ka bakit nangyayare siguro may gustong ituro ang tadhana sa akin.
“At siguro para itama ang mga mali ko sa susunod na ma encounter ko ulit ito…minsan d ko din alam bakit niloloko ako ng mga tao sa paligid ko,” lahad ng komedyana.
Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ng mga totoo kong kaibigan at asawa mabait ka kasi masyado…ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait? Dba pag mabait ka matutuwa si LORD SAYO?
“Anyways sa mga nanloko saken sa ne-gosyo si lord na bahala sa inyo…basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw at madami blessing sa buhay ko.
“Mababait at magagandang anak, magaling na nanay ko, napakabait at mabuti ng asawa ko, mga totoong kaibigang maasahan…
“At si LORD AT MAMA MARY na nakikinig parate sa aking mga dasal… GOD BLESS EVERYONE,” pahayag pa ni Ai Ai gamit ang mga hashtag na #magingmabaitsalahatngpanahon, #wagbibitawsamundokahitmadamingdemonyo at #superpinaghirapankoangperako.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.