Para sa bayan at sa atleta | Bandera

Para sa bayan at sa atleta

Dennis Eroa - June 06, 2019 - 04:48 PM

KAHIT kailan, hindi ako naging bulag na tagasunod. Ngunit hindi ko maiwasang ipahayag ang aking paghanga sa dalawang maginoong mandirigma sa larangan ng palakasan.
Ang tinutukoy ko ay sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘‘Butch’’ Ramirez at Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham ‘‘Baham’’ Mitra.
At bakit naman hindi?
Saksi ako sa tunay at wagas ang paglilingkod nina Ramirez at Mitra para sa bayan at para sa mga atleta.
Hindi ako nagulat nang tanggihan ni Ramirez ang alok ng Philippine Olympic Committee (POC) na maging chef de mission siya ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games. Pero hindi rin naman ako nalaglag sa aking upuan matapos magbago ang kanyang isip at tanggapin ang pagiging chef de mission.
Mabuting balita ito sapagkat sa ilalim ni Ramirez ay magkakaroon hindi lang ng pokus at determinasyon kundi tamang kaalaman upang matiyak na hindi mapapahiya ang Pilipinas bilang host ng 30th Southeast Asian Games.
Tinanggap ni Ramirez ang posisyon upang magkaroon ng pagkakaisa lalo’t hindi na lihim sa publiko ang malaking away na nangyayari sa POC na pinamumunuan ni Ricky Vargas.
“I accept the challenges of the CDM position, aside from the instructions of my bosses, to heed the call for help of the POC,” paliwanag ni Ramirez na tinutukoy ang Palasyo sa may Ilog Pasig. “I do this for the interest of unity. Through this, I express my solid support to the POC and the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee. We must stand as one.”
Noon ko pa sinasabi na dahil sa dating atleta at makabayan ay napakagandang balita na pinamumunuan ni Ramirez ang ahensya na napakahalaga ng tungkuling ginagampanan upang ibalik ang kislap ng Pinoy sa palakasan.

WBC Ranking Committee

Kung pagtataguyod naman ng kabutihan ng mga propesyonal atleta, wala nang tatalo pa sa dating Gobernador at kinatawan ng Palawan na si Baham Mitra.
Sa ilalim ni Mitra ay pinarangalan ng World Boxing Council (WBC) ang GAB bilang Commission of the Year noong 2017. Ito ay dahil sa programa ng GAB na libreng medical exams para sa mga boksingero.
At kamakailan nga ay pati mga fighters ng mixed martial arts ay malilibre na rin sa kanilang medical tests sa mga pampublikong ospital.
Dahil sa kanyang kapuri-puring mga ginawa, si Mitra ay pinagkakatiwalaan ni WBC president Mauricio Sulaiman.
Kamakailan ay itinalaga ng Sulaiman si Mitra bilang miyembro ng makapangyarihang WBC Rating Committee. Sumunod si Mitra sa yapak nina dating GAB chairman Justiniano Montano, Jr. dating WBC president at secretary-general Atty. Rodrigo Salud at dating Olympian swimmer at pinuno rin ng GAB na si Eric Buhain.
“I’m very happy with this appointment by the WBC. Hindi lang personal na karangalan ito para sa akin, kundi malaking karangalan din para sa ating bansa,” pahayag ni Mitra sa opisyal na pahayag sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
”The WBC, considered as the most prestigious governing body in boxing, owes its existence to the Philippines with Montano and Salud at the helm. It’s a big shoe for me to fill now, but I will do my best as member of the ratings committee.”
Korek ka diyan chairman. Hindi na bago kay Baham ang pagharap sa mga bagong hamon, ngunit isa ang tiyak gagawin niya ang lahat upang hindi mapahiya sapagkat alam niya hindi lang ang kanyang pangalan kundi ang karangalan ng bansa ang nakataya.
Pero totoo nga kaya ang balita na hindi lang magiging miyembro ng WBC ratings committee si Mitra kundi magiging chairman pa siya nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending