Juday nabiktima ng sindikato sa socmed, nagbigay ng warning sa madlang pipol | Bandera

Juday nabiktima ng sindikato sa socmed, nagbigay ng warning sa madlang pipol

Jun Nardo - June 04, 2019 - 12:03 AM

 

NAGSUSUMIGAW ang mga salitang, “FAKE!!! FAKE!!! FAKE!!!” sa latest Intagram post ni Judy Ann Santos.

Nadiskubre kasi ng misis ni Ryan Agoncillo na may isang produkto (Purpe Mangosteen) ang gumagamit sa kanyang litrato at pangalan bilang endorser nito.

Siniyasat na raw ng kanyang team kung sino ang mga taong nasa likod ng produkto pero walang nagre-reply sa kanila.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Juday kasabay ng kanyang warning sa lahat ng mga nakabasa at makakabasa ng nasabing fake advertisement.

“Once again.. i am not endorsing PURPLE MANGOSTEEN. Never saw this product, never tried.. and never will.. hindi ko kilala kung sino ang mga tao sa likod nitong produktong ito at kung sino ang gumagawa nito. My team tried reaching out to them, pero walang nagre reply sa kanila.

“I DONT HAVE ANY FACEBOOK ACCOUNT ANYMORE.. pls. Beware of people using celebrities to promote their products. Hanggat hindi po mismong ako o kahit na sinong celebrity ang nag post or nagsabing ginagamit namin ang isang produkto, wag na wag po kayong maniniwala.

“Kaya may mga sarili kaming accounts para mismong sa amin manggagaling ang mga balita na gusto naming iparating sa inyong lahat.

“Salamat rin sa mga taong concern at nagtanong kung kunektado ko sa produktong to… if you are following the facebook account under JUDY ANN AGONCILLO OR JUDY ANN SANTOS AGONCILLO pls pls. pls unfollow,” pahayag pa ni Juday.

Maraming nag-suggest sa aktres na kasuhan ang mga taong nasa likod ng fake ad para raw hindi na pamarisan pa ng ibang manloloko.

Comment nga ni @your_ graceee sa post ni Juday, “This product got a superstar endorser for free LOL and without the knowledge of ms Judy Ann. Dapat sa kanila idemanda para madala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Last time naman nabasa ko na may nag gate crash sa bahay ni claudine para din sa produkto… mga agresibo na sila at makakapal ang mukha. Ako na nahihiya para sa kanila.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending