Kalusugan, talino mas OK kesa maging macho | Bandera

Kalusugan, talino mas OK kesa maging macho

- June 03, 2019 - 08:00 AM

ALAM mo ba na nag-iba na ang pananaw ng mga lalaki sa paglipas ng mga taon? At ayon sa isang pag-aaral, mas nasa utak ng mga millennials na kalalakihan ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan kaysa ang pagpapa-macho.

Sa pag-aaral na nailathala sa Psychology of Men & Masculinity, mas pinapaboran na ng mga lalaki ngayon ang pagkakaroon ng magandang kalusugan kumpara sa pagiging matiisin, independent, at pagiging malakas.

Ang pag-aaral ay isinagawa ni Nick Black, managing partner ng Intentions Consulting, at John Oliffe, isang nursing professor.

Lumahok sa pag-aaral ang 630 lalaki na edad 15-29 mula sa Canada. Napansin ng mga researcher na hindi kumportable ang mga lalaking ito nang tanungin ang kahulugan ng masculinity para sa kanila.

Walumpu’t walong porsyento ng mga lalaki ang nagpahayag na ang pagiging bukas (openness) ay isang kanais-nais na ugali. Sinundan ito ng pagiging matalino (87 porsyento) at pagkakaroon ng angkop na katawan at kalusugan (86.5 porsyento).

Ayon sa mga lalaki, ang tradisyonal na idea ng pagiging matiisin at macho ay hindi nakabubuti sa kanilang social at professional life. Pero malaki umano ang naitutulong sa kanila ng pagiging bukas at pagkakaroon ng magandang kalusugan sa kanilang pakikisalamuha.

Sinabi rin ng mga kalahok sa pag-aaral na ang pagiging mayaman o pagkakaroon ng malaking bank account ay hindi na rin prayoridad ng mga babae dahil ang tinitingnan ng mga ito ngayon ay ang intellect at emotional strength.

Hindi rin kumbinsido ang mga lalaki na pera ang magiging batayan ng kanilang pagkatao.

Ayon sa psychologist na si Jennifer Bosson ang masculinity ay hindi na tinitignan na isang magandang bagay ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending